Sampung Dahilan Kung Bakit Nagustuhan Ko ang Pelikulang Kita Kita
Isa. Isang beses ko pa lang napapanood ang pelikulang ito. Take note of the keywords "pa lang". Oo, kung may pagkakataon, gusto kong tumawa, masaktan, at tumawa ulit. Paulit-ulit.
Dalawa. Dalawa lang ang cast ng pelikula pero napakalakas ng kurot at napakalaki ng emosyon ang ibinuhos dito. Dinaig pa ang all-star cast ng big productions ng pelikulang Pilipino. Walang sinabi ang Jadine at Kathniel.
Tatlo. Tatlong salita talaga yung tumatak sa kokote ko. Saging, puso, at repolyo.
Apat. Apat na beses kong ipinikit ang mga mata ko dahil biglang gumwapo si Empoy sa aking paningin.
Lima. Limang beses kong pinigilan ang pagluha ko.
Anim. Anim na beses kong kinumbinse ang sarili ko na kapag mag ja-Japan ako, pupunta ako ng Saporro.
Pito. Pitong beses akong halos maihi sa kakatawa.
Walo. Walong beses akong sinabihan na kamukha ko si Alessandra de Rossi. Kaya ayan, gandang-ganda naman ako sa sarili ko.
Siyam. Siyam na beses naming kinanta ang Two Less Lonely People of the World ni KZ Tandingan pagkatapos ng pelikula.
Sampu. Sampung bituin ang ibibigay ko sa pelikulang ito, sampung malakas na palakpak, sampung hiyaw, at sampung beses kong paulit ulit na irerekomenda ito sayo.
Kaya kung di mo pa to napapanood, manood ka na dahil it's now, it's never.
P.S. I know I suck at tagalog.
2 Comments
hindi ko na pigilan ang luha ko. i wanna watch this again!!!
ReplyDeletesuper nice movie!
ReplyDelete